Get Adobe Flash player
Sunday 20th of May 2012
Home INFORMATION News OSPITAL NG CALACA ITATAYO; LOTE, DONASYON NG PAMILYA ONA

OSPITAL NG CALACA ITATAYO; LOTE, DONASYON NG PAMILYA ONA

ospital-ng-calaca_moa-signingIsang pagpapatunay na tuluy- tuloy ang pag-unlad ng Bayan ng Calaca ay ang nakatakdang pagtatayo ng isang ospital na matagal ng inaasam ng mamamayang Calaqueño. Kaugnay nito, isinagawa ang Ground Breaking Ceremony at Signing ng Memorandum of Agreement ng Future Ospital ng Calaca noong ika-15 ng Pebrero 2012 sa National Highway Barangay Bagong Tubig, ng nasabing bayan. Naganap ang MOA signing sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Calaca sa pamumuno ni Mayor Nas Ona at ng South Luzon Thermal Energy Corporation (SLTEC) sa pangunguna nina SLTEC Chairman Fernando Zobel de Ayala at Mr. Ramon Del Rosario Jr., isa sa mga Board of Directors ng nasabing kumpanya. Nakatakdang itayo ang ospital sa lote na bukas palad na ipinagkaloob ng pamilya ni Mayor Nas Ona.

Sa mga mensaheng inihatid nina G. Ramon Del Rosario Jr, at SLTEC Chairman Fernando Zobel de Ayala, mababakas ang kanilang kaluguran at kahandaan na makatulong sa bayan ng Calaca sa pamamagitan ng pagpapatayo ng 50-bed capacity hospital hindi lamang bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility manapa’y bilang pakikibahagi at pagsuporta sa pananaw ni Mayor Nas Ona na “para sa higit na nakararami, para sa kinabukasan”.

Sa mensahe ni Mr. Sofronio Manuel C. Ona, (kapatid ni Mayor Ona), inilahad niya kung bakit hindi nagdalawang isip ang kanilang pamilya na i-donate ang nasabing lote, at ito ay sa dahilang sa tuwing naririnig nila ang sirena ng ambulansya, nababalot ng agam-agam ang kanilang mga isip at tanging nasasambit na lang nila ay ang mga katagang “Sana’y umabot” dahil aniya, ang pasyenteng lulan nito ay sa kabilang bayan pa ng Lemery o Balayan isusugod upang lunasan. At ngayong may pribadong kumpanya na na handang magpatayo ng gusali upang maging ospital, mawawala na ang agam-agam na iyon.

Matapos ang paghahatid ng mga mensahe ay isinagawa na ang Time Capsule Laying na pinangunahan nina Mayor Sofronio C. Ona, Jr, Mr. Fernando Zobel De Ayala, Mr. Ramon Del Rosario, Jr. Mr. Francisco Viray, SLTEC Director and President at Mr. Ver Francisco SLTEC Executive Vice-President. Naging bahagi din dito sina Mr. John Eric Francia, SLTEC Director and Chairman of Executive Committee, Mr. Sofronio Manuel Ona, Dr. Sharon Ona, Judge Sofronio Ona at Atty. Fe Ona at iba pang representative ng SLTEC.

Dumalo din sa okasyon ang ilang mga locators sa Calaca kabilang sina Mr.Jose Manuel Quimson ng Phoenix Petroterminal Industrial Park, Engr. Fernando Bonifacio ng Balayan Distillery, Inc., Mr. Felix De Ocampo ng HOLCIM, Engr. Ricardo Gragasin ng Southbay Bulk Terminal Inc., at Mr. Fred Delfin ng Asian Chemicals. Samantala, ipinakita rin ng pamilyang Deped Calaca, LUNAS Kapayapaan at LUNAS Kalusugan Volunteer Workers, NGOs at mga doktor na Calaqueño ang kanilang pagsuporta sa okasyon.

Dumalo rin sa okasyon ang mga Board of directors ng Madonna General hospital at mga barangay officials ng 40 barangay sa Calaca at si Kagalang-galang Congresswoman Eileen Ermita-Buhain. Nanatili pa rin sa mga opisyales at kawani ng munisipyo ang pagiging hospitable dahil sa mainit na pagtanggap sa mga panauhin.

ospital-ng-calaca_groundbreaking ospital-ng-calaca_moa ospital-ng-calaca_sir-boogle

Last Updated (Monday, 20 February 2012 20:11)