RHU CALACA, MULING TUMANGGAP NG MGA DONASYONG GAMOT
Muling tumanggap ng mga gamot ang Rural Health Unit ng Calacamula sa isang overseas worker na si Gng. Flory Mutoc noong ika-30 ng Enero taong kasalukuyan. Ito ang ika-walong pagkakataon na nagkaloob si Gng. Mutoc ng iba-ibang uri ng gamut sa alta presyon, triglycerides at cholesterol sa RHU. Gayun na lang ang kagustuhan nya na tumulong sa mga Calaqueño sapagkat siya ay isa ring Calaqueño na pinalad na makapagtrabaho at manirahan sa California kasama ang kanyang pamilya. Damang- dama ni Mutoc ang pangangailang ng kanyang mga kababayan. Bukod pa dito, nakita rin nya ang maganda at maayos na pamamalakad ng lokal na pamahalaan sa pamumuno nina Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza.
Samantala, muli ring nagkaloob ng iba’t ibang klaseng gamot sa sipon, ubo at trangkaso ang dating Congresswoman ng unang distrito ng Batangas, Kgg. Eileen Ermita Buhain noong ika-2 ng Pebrero sa nasabing tanggapan. Bagama’t wala na siya sa tungkulin ito ay regular pa rin niyang isinasagawa taun-taon upang ipadama sa kanyang mga kababayan ang nakaugaliang pagkalinga. Patuloy pa rin ang kanyang paglilingkod at pakikpag-daupang palad upang tumulong partikular sa medikal na pangangailangan upang mapangalgaan ang kalusugan ng mga Calaqueño.
| < Prev | Next > |
|---|
Last Updated (Monday, 20 February 2012 19:18)


