Tuloy ang Pagsagip ng Buhay sa Blood Donation Program
Ni: Zeny Macalindong
Muling ginanap ang blood donation program sa Municipal Health Office, Calaca, Batangas na may temang NASa Dugo Mo Ang Buhay Ko noong ika-17 ng Enero ng kasalukuyang taon. Ito ay isa sa mga programa ni Mayor Sofronio C. Ona, Jr. katuwang ang kanyang maybahay na si Dr. Marjolyne Sharon V. Ona bilang Municipal Health Officer.
Ang programang ito ay ginaganap tuwing ikatlong buwan o quarterly upang higit na makatulong sa mga mamamayang nangangailangan ng dugo at makapagsalba ng buhay.
Labing siyam na Calaqueno blood donors ang nagkaloob ng dugo mula sa mga barangay Caluangan, Poblacion 2 at 5, Camastilisan, Timbain, Lumbang na Bata at Matanda, Pantay, Puting Bato East, Madalunot, Bisaya at mga empleyado ng munisipyo.
Ito ay sa pakikiisa ng Batangas Regional Hospital, Blood Bank Department.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang nasabing programa sa pagtutulungan ng mga mamamayan ng Calaca at patuloy na umaasa ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta ng mga mamamayan sa programang ito.
| < Prev | Next > |
|---|
Last Updated (Tuesday, 07 February 2012 19:06)


