REDCOP
Ni: Katrina Perez
Muli na naman sinimulan ang Renal Disease Control Program o REDCOP sa mga pampublikong paaralan ng Bayan ng Calaca. Ito ay sa pangangasiwa ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Marjolyne Sharon V. Ona, Municipal Health Officer. Ang programang ito ay nagsimula noong 2011 kung saan sa pamamagitan ng pag-eksamen ng ihi ng mga Grade 1 na estudyante ay madaling matutuklasan kung sila ay may karamdaman sa bato o iba pang posibleng karamdaman.
Nitong ika-10 ng Enero taong kasalukuyan ipinagpatuloy ang REDCOP sa tulong ni Mrs. Loida Marasigan, RHU-medtech. Simulan ito sa Calantas Elementary School, kung saan 70 bata ang naeksamen ang ihi at 13 sa mga ito ay kinakitaan ng abnormal na ihi. Gayundin noong ika-17 ng Enero taong kasalukuyan tumungo ang REDCOP team sa Lumbang na Matanda Elementary school, kung saan 54 na bata ang naeksamen ang ihi at 10 sa mga ito ay hindi rin normal ang naging resulta. Binigyan naman ng libreng gamot ang mga batang nagkaroon ng findings upang matiyak na maagang masusugpo ang hinihinalang karamdaman na maaring humantong sa pagkakasakit sa bato.
Magpapatuloy ang paglibot ng REDCOP team sa mga pampublikong paaralan particular sa mga Grade 1 na estudyante.
| < Prev | Next > |
|---|


