Validation on Agricultural Statistics, Isinasagawa ng MAO
Kasalukuyang nagsasagawa ng validation on agricultural statistics at meeting ang tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa bayan ng Calaca sa nasasakupan nitong barangay upang alamin ang mga kasalukuyang kalagayan ng sector ng agrikultura.
Ito ay upang matiyak na ang mga programang pangkabuhayang nauukol sa pagsasaka na itinataguyod ng lokal na pamahalaan ng Calaca ay naangkop sa pangangailangan ng mga magsasaka at upang masiguro na makakatulong ito sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamayan.
Bilang panimula, nakapagsagawa na sila ng survey noong huling quarter ng taong 2011 at ang ginagawa nila ngayon ay validation at pag-uupdate ng mga datos.
Pinangunahan ni Gng. Alicia Cabrera, Municipal Agriculturist kasama ang mga kawani ng kanilang tanggapan ang nasabing programa na nagsimula noong ika-12 ng Enero taong kasalukuyan at inaasahang matatapos hanggang sa ikalawang linggo ng buwan ng Pebrero. /MIO-CALACA
| < Prev | Next > |
|---|
Last Updated (Tuesday, 24 January 2012 21:42)


