Get Adobe Flash player
Thursday 23rd of February 2012
Home INFORMATION News ONE-STOP-SHOP, HATAW SA SERBISYO

ONE-STOP-SHOP, HATAW SA SERBISYO

Ni: Liza Lorena Casanova

one-stop-treasNoong ika- 1 ng Enero taong 2012 ay muling sinimulan ang ONE STOP SHOP para sa mabilisan at epektibong proseso ng pagbabayad ng mga tax payers at renewal ng mga business permits.

Humataw naman sa pagsesrebisyo ang mga departamento ng nasyunal at Pamahalaang Lokal ng Calaca na may kaugnayan sa programa. Kabilang sa abalang tanggapan ay ang Business Permit and Licensing Office, BIR, Fire, Municipal Health, Engineering Office, Municipal Assessor at Treasury. Lubhang nakaalwan ito sa mga taxpayers sapagkat ang mga nasabing tanggapan ay matatagpuan sa isang lugar sa munisipyo. one-stop-fireKomportable din ang mga nagbabayad at nag-re-renew ng kanilang business permit dahil sa maayos silang nakaupo sa preskong lugar habang naghihintay ng pagkakataon na makapag-bayad. Inaasahang matatapos ang Business One-Stop_shop sa January 20 ng buwang ito. Minsan pa’y muling ipinakita ng mga taxpayers ang kanilang disiplina sapagkat sila ay kusang dumarating sa munisipyo upang tumupad sa kanilang obligasyon bilang responsable at mahuhusay na mamamayan ng Calaca.

Last Updated (Tuesday, 24 January 2012 21:27)