SENIOR CITIZENS PENSION
(Disyembre 27, 2011) Natipon ang 94 na senior citizen sa bulwagan ng bahay pamahalaan ng Calaca upang tanggapin ang kanilang buwanang pension para sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre ng taong 2011.
Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng tig Php500.00 kada buwan o may kabuuang Php3,000.00. Samantala ilan naman sa kanila ay nakakuha ng pension sa loob ng isang taon na hindi agad nakuha noon.
Ang pensyong ito ay nagmula sa pamahalaang nasyunal na ipinamamahagi ng tanggapan ng DSWD para sa mga lolo’t lola na may edad 77 taong gulang pataas na wala ng kakayahang maghanap buhay at walang natatanggap na kahit anong pension mula sa pamahalaan o pribadong ahensya. Ang naturang halaga ay pantulong ding pambili ng kanilang pangangailangang medical.
Laking pasasalamat naman ng mga katatandaang nakatanggap ng pension sa masikhay na pamamahala ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng tanggapan ng MSWD na pinamumunuan ni Gng. Maharani Babasa dahil sa mga ganitong pagkakataon ay nabibigyang pansin ang mga tulad nila.
| < Prev | Next > |
|---|
Last Updated (Saturday, 14 January 2012 09:32)


