Get Adobe Flash player
Thursday 23rd of February 2012
Home INFORMATION News 1st LGU Calaca Inter-Color Basketball

1st LGU Calaca Inter-Color Basketball

lgu-calaca-intercolor-basketballNagharap ang mga kawani at opisyal ng Bayan ng Calaca ganun din ang mga kapitan ng 40 barangay para sa pagsasalpukan ng 7 koponan ng basketball sa pagbubukas nito noong ika-10 ng Diyembre 2011.

Nagsimula ang programa sa isang parade na nagtapos sa municipal gym kung saan isa-isang nagpakilala ang bawat team. Pinangunahan ito ng team Blue Eagle na kinabibilangan mga tanggapan ng Administrador at Municipal Information. Sinundan ito ng team BYP na pinagsanib na kulay Brown, Yellow at Pink na binubuo ng Municipal Health, MSWD, MCR, Treasurer, Assessor at Accounting. D’Honorables naman ang tawag sa green team na pinagsama-samang mga opisyal at kawani mula sa opisina ng Vice Mayor, Sangguniang Bayan, Secretary to the Sangguniang Bayan, Municipal Trial Court, GSO, Municipal Engineering, DILG at Human Resource Management. Ang NASniners ng Orange team ay binuo ng mga tanggapan ng Punongbayan, Municipal Budget, MPDC at Business Permit and Licensing Office samantalang ang White team ay tinawag na Market Cavaliers ng mga kawani ng opisina ng Market and slaughter house.

Nakilahok din ang mga pulis at bumbero na kakampi ng Municipal Agriculture Office at tinawag ang team violet na AFP samantalang ang mga kapitan sa pamununo ni ABC pres. Peping Gatdula ay tinawag na team ABC.

Bawat isang koponan ay may kanyang muse na rumampa at nakuha ni Ma. Freya Asuncion ng D’Honorables ang best muse samantalang napiling best in uniform ang NASniners.

Agad na sinimulan ang bakbakan ng mga koponan na pinangunahanng team BYP kontra sa AFP na napagwagian ng huli. Sinundan ito ng salpukan ng Blue Eagle laban sa D’Honorables na napagwagian ng una at nagtapos sa tagisan ng Market Cavaliers laban sa team ABC kung saan nasungkit ng huli ang panalo.

 

Aabangan ang championship game sa darating na huling linggo ng Enero ng sunod na taon kung saan patutunayan ng bawat koponan na higit sa mahusay na serbisyo publiko na kanilang ipinapakita, mahusay din silang magdala ng bola at magpanalo ng kanilang teams./MIO

Last Updated (Saturday, 14 January 2012 09:29)