2.5 Milyon Farm-to-Market Road sa Brgy. Makina
Ni: Editha Gatdula (LUNAS Kabatiran Volunteer)
Laking pasasalamat ng mga kababayan sa barangay Makina matapos ang pagpapasemento ng ilang bahagi ng kalsada sa dalawang Sitio ng barangay at maging sa pangunahing kalsada sa kahabaang tapat ng Paaralang Elementarya ng Pantay noong nakaraang Nobyembre 2011.

Ito ay nilaanan ng pondong nagkakahalaga ng 2.5 milyon na nagmula sa lokal na pamahalaan ng Calaca na naisakatuparan sa pamumuno ng masipag na Kapitan ng nasabing barangay na si Kapt. Juanito Bautista. May kabuuang haba ito na 827 metro. Isang malaking katulungan ito sa ilang libong mamamayang araw-araw na dumadaan sa nasabing mga lansangan lalo na sa mga motorista at mag-aaral sa katabing paaralan.
| < Prev | Next > |
|---|
Last Updated (Saturday, 14 January 2012 09:23)


