Get Adobe Flash player
Thursday 23rd of February 2012
Home INFORMATION News DALAWA HULI SA MAGKASUNOD NA DRUG RAIDS, BARIL KUMPISKADO

DALAWA HULI SA MAGKASUNOD NA DRUG RAIDS, BARIL KUMPISKADO

Noong ika-22 ng Disyembre 2011, dalawang personalidad na may kinalaman sa pagtutulak ng iligal na droga ang matagumpay na nasakote ng mga elemento ng pulisya ng bayan ng Calaca.

aunang sinalakay ang tahanan ni Roni Val Punzalan Y Tolentino a.k.a. “Bobet”, 38 taong gulang, may-asawa, walang trabaho ng Brgy. Dacanlao noong ang oras ay humigit-kumulang sa ika-5:35 ng umaga kung saan nakumpiska ang mga sumusunod; dalawang (2) plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang (1) disposable lighter, dalawang (2) piraso ng pinutol na aluminum foil, limampung (50) piraso ng plastic sachet na lalagyan ng shabu, isang (1) plastic sachet na pinaglagyan ng shabu, isang (1) Smith and Wesson na kalibre .38 revolver na walang serial number, dalawang (2) bala ng nasabing baril at dalawang basyo ng kalibre .22. Kasunod naman ay ang bahay ni Marilou Gatdula Y Alamag alyas “Malou”, 36 na taong gulang, may-asawa at nakatira sa Brgy. Poblacion 5. Nakumpiska sa kanyang tahanan ang mga sumusunod; Tatlong (3) piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na humigit-kumulang sa labinlimang (15) gramo, isang (1) weighing scale, pitong (7) plastic sachet na pinaglagyan ng shabu, apat (4) na disposable lighters, tatlumpung piraso na plastic sachets na lalagyan ng shabu, dalawang (2) piraso ng rolled aluminum foil at isang (1) maliit na bamboo stick clip. Ang isinagawang raids ay naaayon sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ng Kgg. na Hukom EUTIQUIO L. QUITAIN ng RTC, Branch 5, Lemery, Batangas na may numero bilang 141-2011 at 142-2011 ayon sa pagkakasunod na may petsang Disyembre 21, 2011. Isinagawa ang paghalughog sa tahanan ng mga suspek kasama ang mga opisyales ng nasabing mga Barangay at kinatawan ng media na si Bayani Alamag na tumayong mga saksi. Matapos ang matagumpay na operasyon ay kaagad sinampahan ng mga kaukulang kaso ang dalawa sa paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 habang may karagdagang kaso ang kay Bobet sa kasong R.A. 8294 sa sala ng Panlalawigang Tagausig sa Pallocan, Batangas City at kasalukuyang nakapiit sa Himpilan ng Pulisya. Nagbunga ang matagumpay na pagkaaresto sa mga suspek sa masigasig na pagmamanman ng mga pulis Calaca. Isa na naman itong pagpapatunay na ang kapulisan ay patuloy at maayos na nagtatrabaho.