Get Adobe Flash player
Sunday 20th of May 2012
Home INFORMATION News ZERO CRIME NAITALA SA ALA-EH FESTIVAL

ZERO CRIME NAITALA SA ALA-EH FESTIVAL

pnp-calaca_ala-eh_01Hindi biro ang maghatag ng 100 porsyentong seguridad para sa isang malaking kaganapan sa bayan ngunit ito ay pinatunayan ng Pambayang Kapulisyahan sa tulong ng mga karagdagang pwersa na ipinadala ng Batangas Police Provincial Office.

Sa maayos na pagprepara ng mga planong panseguridad at pagsasagawa nito ay matagumpay na naidaos ang nasabing aktibidad ng walang anumang krimeng nangyari. Sa simula pa lamang ng mahigit isang linggong okasyon ay nakita na agad ang malakas na puwersa ng pulisya mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan na ang tanging layunin ay maging ligtas ang lahat at hadlangan ang mga nagtatangkang maghasik ng kaguluhan o anumang klase ng krimen. Sa pamumuno ng mga opisyales na sina PSS ATTY. ROSAURO V ACIO, Provincial Director, PCI ARTURO BISCOCHO DIVINO, hepe ng Calaca Municipal Police Station at iba pang mga opisyal ng Pulisya sa lalawigan ay naging ligtas ang lahat at naipakita na ang Bayan ng Calaca ay ligtas puntahan ng mga bisita at dayuhan mula sa iba’t ibang lugar. Marami ding nagalit dahil sa ang gusto ng ilan ay masunod ang kanilang mga kagustuhan subalit ang mga pulis ay nanindigan na ang tanging susundin at ipatutupad lamang ay ang kung ano ang nararapat at kung ano ang makakatulong para sa kaligtasan ng lahat.

pnp-calaca_ala-eh_02 pnp-calaca_ala-eh_03 pnp-calaca_ala-eh_04
pnp-calaca_ala-eh_05 pnp-calaca_ala-eh_07 pnp-calaca_ala-eh_06

Last Updated (Friday, 13 January 2012 08:04)