News
|
|
OSPITAL NG CALACA ITATAYO; LOTE, DONASYON NG PAMILYA ONA
Last Updated (Monday, 20 February 2012 20:11)
|
||
|
- Tuloy ang Pagsagip ng Buhay sa Blood Donation Program
- Estudyanteng Calaqueño, World Class ang Galing
- REDCOP
- Validation on Agricultural Statistics, Isinasagawa ng MAO
- PAY OUT FOR CASH FOR WORK & TRAINING, IPINAMAHAGI
- ONE-STOP-SHOP, HATAW SA SERBISYO
- Empleyado ng LGU Calaca, Sumailalim sa ONA-RHP
- PHILHEALTH “AKO” TRAINING, IDINAOS



Isang pagpapatunay na tuluy- tuloy ang pag-unlad ng Bayan ng Calaca ay ang nakatakdang pagtatayo ng isang ospital na matagal ng inaasam ng mamamayang Calaqueño. Kaugnay nito, isinagawa ang Ground Breaking Ceremony at Signing ng Memorandum of Agreement ng Future Ospital ng Calaca noong ika-15 ng Pebrero 2012 sa National Highway Barangay Bagong Tubig, ng nasabing bayan. Naganap ang MOA signing sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Calaca sa pamumuno ni Mayor Nas Ona at ng South Luzon Thermal Energy Corporation (SLTEC) sa pangunguna nina SLTEC Chairman Fernando Zobel de Ayala at Mr. Ramon Del Rosario Jr., isa sa mga Board of Directors ng nasabing kumpanya. Nakatakdang itayo ang ospital sa lote na bukas palad na ipinagkaloob ng pamilya ni Mayor Nas Ona.
Isang makulay na pagdiriwang ng araw ng mga puso ang isinagawa sa Bayan ng Calaca sa pagsasagawa ng taunang Kasalang Bayan noong ika-14 ng pebrero kasabay ng Valentine’s Day at bilang pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong buwan ng Pebrero.