Pasko Na Bayan ng Calaca
Ni: Tacing Lasheras, Lunas Kabatiran
I
Sa ala-ala ko ay binabalikan
Ang may pitong taong, panahong nagdaaan
Mula noo’y nagsimula itong Pasko sa’ting bayan
Isang Paskong nanatili, hindi isang araw lamang.
II
Itong ating munisipyo, wari baga ay Belen,
Pagkat doon ay sumilang ang presensya ng Diyos natin
Ang loob ay punong-puno ng biyayang walang maliw
Kaningningan ng lumikha, Oh kay sarap-sarap damhin.
III
Itong ating Punong baya’y isang buhay na Santa Claus
Nakahanda na magbigay ng regalo, oras-oras
Ang lahat ng lumalapit, tinanggap na may galak
Walang pagod sa pagtulong sa paggawa’y walang kupas.
IV
Ang Pangalawang Punong baya’t mga halal na konsehal,
Mga bantay na kerubin na palaging nagmamahal
Nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan
Laging handa sa pagtulong, naglilingkod kaninuman.
V
Yaong mga consultant ay nagsisilbi namang tala
Nagbibigay ng liwanag sa nahanap ng biyaya
Taglay nilang kaningningan ay nagtuturo sa madla
Nang daan ng katwiran na puno ng Pagpapala.
VI
Ang bawat departamento sa bayan kong minamahal
Ay ang buhay na Christmas Tree na sa ati’y tumatanglaw
Yaong mga manggagawa’y nagniningning na ilawan
Na doon ay nakasabit, nagbibigay kasiyahan.
VII
Mga Lunas Volunteers ay tulad ng mga parol
Na laging kagamit-gamit sa bayan man at sa nayon
Sa liblib mang mga lugar walang takot pumaroon
Walang tigil ang serbisyo, handa laging tumulong.
VIII
Nang isilang ang Mesias sa tabi Niya ay lumitaw
Ang isang malaking hukbo ng sangkalangitan
Sa paano’y ang layunin, katahimika’y bantayan
Sila yaong magigiting na pulis sa ating bayan.
IX
At ang ating unang Gng. na si Dr. Sharon Ona
Siya ang buhay at sariwa na bulaklak nitong Paskwa
Ang luntiang mga dahon at petals na mapupula
Sagisag ng pagkalinga, pagmamahal bilang ina.
X
Oh kaysarap na isiping dito sating bayan ngayon
Pasko na Araw-gabi hindi minsan ‘lang santaon
Simbulo ng kapaskuha’y hindi lamang dekorasyon
Kundi buhay at totoong gamit sa bawat panahon.
XI
Kaya naman halikayo, kababayang Calaqueño
Sa hapag ng sangguniang bayan, halina at makisalo
Masaganang Noche Buena, sadyang laan para sayo
Upang yaong kaunlara’y makamtan ng bawat tao.
XII
Itong ginto, ang kumonyon at ang mirong inihandog
Ito’y naging kagalakan sa puso ng ating Diyos
Ito‘y ang pinagsama-samang maka-Diyos na paglilingkod
Binalot ng Punong Bayan at sa Diyos ay inihandog.
| Next > |
|---|
Last Updated (Wednesday, 28 December 2011 20:56)


