Get Adobe Flash player
Sunday 20th of May 2012
Home INFORMATION Articles PASKO SA ‘PINAS…

PASKO SA ‘PINAS…

Ni: Hazel D. Collado - LUNAS Kabatiran, Barangay Caluangan

I

Sa tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre

Lahat ay abala sa pag-aayos ng Christmas tree

Gagawa ng parol at iba pang palamuti

Halina’t pagmasdan at tiyak ika’y mapapangiti.

II

Sadyang ang pasko sa bansa’y kakaiba

Lahat nagdiriwang, lahat nagsasaya

Di naman kailangan ng malaking halaga

Basta’t buo ang pamilya iyon ang mahalaga.

III

Nakagawian na nating mga Pilipino

Na maghanda at magsaya sa araw ng pasko

Bilang pag-alaala sa pagsilang ni Kristo

At paggunita sa mga kabutihan nito.

IV

Bata man o matanda ay nangangaroling

Naghihintay sila ng limos ng magiting

Maliit man o malaki ay tatanggapin namin

Salamat sa inyo nawa kayo’y pagpalain.

V

Pag narinig natin tunog ng kampana

Tara na’t maghanda simbang gabi simula na

Pagkatapos nito ay bumili ng puto

At saka bibingka at iuwi sa mahal mo.

VI

Sa ating Ninong at Ninang tayo ay magmano

At magpasalamat sa kanilang aginaldo

Pagkat ito’y mula sa ginintuang puso

Dapat na mahalin at ating itago.