NASusulat: Mapagmahal at Mapagpatawad ang Diyos
Ni: Ptr.
Joel E. Betis, CMF
Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi Niya,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat nalalapit nang
maghari ang Diyos” Mateo 4:17
Subalit talagang mabiyaya ang Diyos. Ang kanyang kahabagan
ay napakasagana. Sabi sa 1Juan 1:9 “Kung ipapahayag natin ang ating mga
kasalanan, maasahan nating ipapatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin
tayo sa ating mga kasalanan sapagkat Siya ay matuwid”. Sa kabila ng ating
pagdudulot ng kasakitan sa puso ng Diyos ng dahil sa ating mga nagawang mali at
kasalanan sa kanya, heto pa din Siya at patuloy na nagpapadama ng pagpapatawad
at pagkalinga sa atin, bakit? Dahil sobra tayong mahal ng Diyos special ka sa
kanya!
Sabi sa 2 Pedro 3:9 “Binibigyan Niya ng pagkakataon ang
lahat na makapagsisi at magbalik-loob sa Kanya. Sapagkat hindi Niya nais na
kayo’y mapahamak. Isang napakagandang pangako na pwede mong panghawakan. Ganyan
ang Diyos, walang katulad ang kanyang pag-ibig, pagpapatawad at pagkalinga sa
akin, sa iyo at sa ating lahat.
Kaya patuloy at patuloy Siyang nagpapa-ala-ala upang
pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Ang oras ay ngayon na! Magsisi
at ‘wag nang balikan o ulitin pa ang mga
Kaibigan, dalangin ko na huwag mo sanang makalimutan ang
paalalang ito, pagpalain ka ng Panginoon!
| < Prev | Next > |
|---|


