Get Adobe Flash player
Thursday 23rd of February 2012
Home INFORMATION Articles

Articles


Pasko Na Bayan ng Calaca

Ni: Tacing Lasheras, Lunas Kabatiran 

I

Sa ala-ala ko ay binabalikan

Ang may pitong taong, panahong nagdaaan

Mula noo’y nagsimula itong Pasko sa’ting bayan

Isang Paskong nanatili, hindi isang araw lamang.

Last Updated (Wednesday, 28 December 2011 20:56)

Read more...

 

EDITORYAL: SERBISYO CALAQUEÑO, ORGANISADO

Kalimitang nasusubok ang tunay na diwa ng bayanihan sa mga pagkakataong tulad ng mga sakuna, kung saan umuusbong ang likas na pagkamakabayan at pagkamatulungin ng bawat isang Pilipino. Napatunayan na ito sa mga nagdaang mga trahedyang naranasan ng Pilipinas tulad ng malakas na lindol sa Baguio; pagputok ng Mt. Pinatubo; landslide sa Leyte; mga bagyong Rosing at Ondoy; at kung anu-ano pang mga delubyong kalikasan. Ngunit dito sa atin sa Calaca, pinatunayan ng bawat isang Calaqueño na ang bayanihan ay puwede nating isagawa ano mang oras, ano mang lugar, at sino man ang nangangailangan.

Ang proyektong “Serbisyo Calaqueño Organisado o SCO ng ating pamahalaang bayan ay nagpipinta ng tunay na kulay ng pagtutulungan ng sambayanang Calaqueno upang maipatupad ang mga ninanais na proyekto. Sama-sama at kapit-bisig na nagbuhat ng bakal, semento, graba, at buhangin; humawak ng pala, bareta at balde; at nagpatulo ng pawis mula sa mga namumuno ng bayan, kawani ng pamhalaang bayan, hanggang sa mamamayan ng barangay. Larawang sumasalamin sa tunay na diwa ng bayanihan.

Ang proyektong ito ay magbibigay sa bawat isang Calaqueño ng ilang mahahalagang benepisyo. Una, magsisilbing halimbawa ito sa mga kabataan ng barangay, na ang mga namumuno at pamayanan ay nagkakaisa upang paunlarin ang kanilang barangay sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa. Ikalawa, makikintal sa isipan ng pamayanan ang pagmamahal sa mga kagamitan ng pamahalaan at ang pag-iingat sa mga proyektong kasama silang pinagsikapang gawin. Ikatlo, higit na yayabong ang pagkakaisa at pagmamahalan sa buong pamayanan na aani ng kapayapaan sa barangay. At ikaapat, higit na makakatipid ang pamahalaan sa mga proyektong gagawin at mailalaan ito sa iba pang mga proyektong pangkaunlaran.

Hindi maisasakatuparan ang lahat ng mga proyektong ito kung hindi dahil sa likas na ugaling mapagkawanggawa ng ating mga namumuno at mga mamamayang handang sumuporta sa bawat layuning pangkaunlaran ng pamahalaang bayan.

Minsan pang pinatunayan ng bawat isang calaqueno na una ang Calaca hindi lang sa pag-asenso kundi sa tunay na Serbisyo Calaqueño Organisado. Hangarin ng patnugutan na yumabong ang mga kahalintulad na proyektong ito hindi lang sa bayan ng Calaca, kundi sa lahat ng bayan sa Pilipinas.

Last Updated (Monday, 01 August 2011 00:56)

 

NASusulat: NAIS KONG MALAMAN MO, MAHAL KA NI KRISTO

Ni: Ptr. Joel E. Betis

3Hinamak Siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas Siya ng hirap. Wala man lamang nagtapon ng sulyap sa Kanya. Hindi natin Siya pinansin, para Siyang walang kabuluhan. 4Tiniis Niya ang hirap na tayo dapat ang magbata. Gayun din ang kirot na tayo sana ang lumasap. Akala natin ang dinanas Niya’y parusa sa kanya ng Diyos. 5Dahil sa ating mga kasalanan kaya Siya nasugatan. Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo Niya at sa mga hampas na Kanyang tinanggap. (ISAIAS 53:3-5) 

Ang mga talatang ito ay nagpapahayag ng walang katumbas na pagmamahal sa atin ni Kristo Hesus. Siya na Diyos ay hinubad ang pagiging Diyos. Kusa Niyang binitiwan ang karapatang ito at namuhay na isang alipin. Siya’y nagpakumbaba at naging masunurin hanggang kamatayan sa krus. Kaya naman, Siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang “higit sa lahat ng pangalan.” (Filipos 2:6-9) Grabeng pagmamahal! Walang katulad, walang katapat.

Subalit ano ang ating ganti sa kanyang pagmamahal? Siya ay: 1) nababalewala, (sa ‘di pagbibigay oras sa pagsimba) 2) nakakalimutan, (kausapin sa pananalangin at pagbabasa ng Bibliya) 3) hindi pinagkakatiwalaan sa buhay, (sa pagsubok o problema) 4) at paglalagay sa ating isip na ang lahat ng pinagdadaanan natin sa buhay ay wala siyang maitutulong (hindi niya kaya!)

Aminin man natin o hindi, eto tayo, ganito tayo sa kanya. Lagi at lagi nating sinasaktan ang Kanyang puso. Gayun pa ma’y sadyang Siya’y napakabuti. Sa sinumang tao na sa Kanya ay lalapit, kikilanlin ang Kanyang pagkakamali o kasalanan sabi ng bibilya, tapat ang Diyos at patatawarin tayo sa ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa ating mga kasamaan sapagkat siya ay matuwid (1Juan1:9)

Kaibigan, hindi ko alam kung ano na ang mga kasalanang nagawa mo, pero isa lang ang alam ko, MAPAGMAHAL AT MAPAGPATAWAD ANG DIYOS! Hindi Niya tinititigan at sinusumbat kung anong mga kasalanan ang ginawa mo, ang tinitingnan Niya ay ang puso mo. Pusong handang magsisi at tumalikod sa kasalanan. Pusong hahanapin ang Diyos at tatawagan!

Kaibigan, hinihintay Niya palagi ang tawag mo, at nais kong malaman mo, MAHAL KA NI KRISTO.

 
More Articles...