Bakuna laban sa A(H1N1) libreng ipinamahagi sa mga Volunteer Workers
Noong ika-6 ng Mayo 2010 ay nagbigay ng libreng bakuna
laban sa A (H1N1) ang mga kawani ng Provincial Health Office sa mga tauhan ng Pambayang
Pangkalusugan, Lunas Kalusugan Volunteer Workers, VSR-BHW at Barangay Nutrition
Scholars. Nauna nang nabigyan ang mga frontline responders ng bakunang ito sa
pagtutulungan ng World Health Organization-Western Pacific Region, Department
of Health at Unicef. Nabigyan ang Pilipinas ng siyam (9) na milyon na dosis ng
bakunang ito na siyang ibabakuna sa mga taong haharap o manggagamot sa may
sakit na A(H1N1).
Ang AH1N1 vaccine ay bakuna laban sa A (H1N1) Influenza. Ito
ay epektibo at ligtas ayon sa mga pagsusuri ng World Health Organization.
Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Health Office sa
Provincial Health Office, nabigyan ng libreng bakuna ang 318 na mga volunteer
workers at kawani sa Bayan ng Calaca at sa ganitong paraan ay natitiyak ang
kanilang kahandaan sa muling pag-atake ng nasabing nakamamatay na sakit.
| Next > |
|---|
Last Updated (Friday, 11 June 2010 18:23)


