Get Adobe Flash player
Sunday 20th of May 2012
Home INFORMATION ARCHIVES

IKA-144 TAONG KARAWAN NI HENERAL ELEUTERIO G. MARASIGAN, GINUNITA

katerio_2010_01.jpgIka-23 ng Mayo, 2010, ginunita ng pamilyang Calaqueño ang ika-144 taong kaarawan ni Heneral Eleuterio G. Marasigan bilang lokal na bayani ng bayan ng Calaca. Isinagawa ang banal na misa sa St. Raphael Archangel Parish ganap na ika-7:00 ng umaga kasunod ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng Heneral.  Ipinagpatuloy ang ikalawang bahagi noong ika-24 ng Mayo sa harap ng pamahalaang bayan na kinatampukan ng pagtataas ng mga bandila ng Pilipinas, Probinsiya ng Batangas at ng Bayan ng Calaca. Naghatid ng mensahe si Vice-Mayor Larry Atienza at Municipal Administrator Ruperto P. Noche, Jr. bilang bahagi ng pagpupugay sa kasaysayan. Tindig balahibo namang nakinig ang mga dumalo sa mensahe ni Don Diego Eleazar G. Casanova bilang kinatawan ng pamilya at apo ng Heneral. Matapos ang maikling programa, isinagawa ang paglilinis ng baybay dagat ng mga bumubuo ng CALINGAPLAYA (CALaqueñong KumakaLINGA sa APLAYA) na siyang nagiging tampok na gawain tuwing sasapit ang kaarawan ng Heneral. Naging matagumpay ang selebrasyon sa pangunguna ng mga opisyales at kawani ng nasyunal at lokal na tanggapan ng pamahalaang bayan ng Calaca kasama ang kinatawan ng mga pribadong sektor kabilang ang SEM-Calaca Power Corporation, Southbay Bulk Terminal, Batangas I Electric Cooperative, Inc., Steel Asia, Phoenix, Philippines, Batangas Union Industrial Park at Balayan Distillery. Saksihan ang pangyayari sa mga larawang naka-paskil sa Activities & Events ng ating Photo Gallery .

Last Updated (Sunday, 06 June 2010 17:14)