Halalan 2010: ONA-ATIENZA PA RIN SA CALACA, 10 0!
Makasaysayang pagwawagi ang ipinamalas ng buong tiket ni
Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza sa
ginanap na kauna-unahang automated polls sa bansa noong Mayo 10 taong
kasalukuyan. Matagumpay na nasungkit ng grupo ang 10-0 kontra sa pinagsanib na
puwersa ng partido Liberal at Nacionalista.
Nakakuha ng 21,759 na boto si Mayor Nas Ona na siyang
nagpatumba sa kanyang katunggaling si
Marlon Hernandez na may kabuuang boto lamang na 13,029 at naungusan ng una
ng 8,730 na boto. Samantala, nasungkit
ni Vice Mayor Larry Atienza ang ikatlo niyang termino bilang Vice Mayor sa
kanyang nakuhang 17,038 boto kumpara sa 16,833 boto kay Dra. Agnes Katigbak,
dating katunggali ni Mayor Nas sa pagka-punumbayan noong Halalan 2007 at
maybahay ng dating punumbayan Jerry Katigbak.
Nagbunyi rin ang 8 konsehal ng partido dahil sa nakuhang
puwesto. Nanguna si Kon. Anselmo Macalindong sa botong 19,592at pinangalawahan
ni Kon. Prima Dajoyag sa botong 19,156. Umakyat naman sa ikatlong puwesto si
Kon. Deovic Ontangco sa kanyang kabuuang boto na18,844 habang nanatili sa
ikaapat na puwesto si Kon. Chito Macalalad sa botong 18,575. Sa bilang na 17,801
boto nakuha ng Kon. Niño Glenn Matulac ang ikalimang puwesto. Napanatili ni
Kon. Robenson Sale ang kanyang ikaanim na puwesto sa botong 17,335 na sinundan
ni Kon. Brigido Casanova sa pampito at botong 16,691. Samantala, “huli man daw
at may asim mananalo pa rin!” ‘Yan ang sigaw ng nag-uumapaw na damdamin ni Kon.
Robert Salazar matapos siyang iproklama
bilang pangwalong miyembro ng Magnificent 10 sa botong 15,544.
Isang makasaysayang pangyayari ang naganap na halalan sa
bayan ng Calaca bunsod ng mga kahanga-kahangang naging kaganapan dito. Una,
ang pagkakatala ng kauna-unahang punumbayang nahalal ng tatlong sunud-sunod na
termino. At ikalawa ang pinakamataas na tala ng boto na nakuha ng partido na
siyang dahilan upang ideklara ang
taguring 10-0 sa buong bayan at sa 16 na barangay na kinabibilangan ng mga Barangay
ng Niyugan, Bambang, Balimbing, Cahil, Lumbang na Bata, Lumbang na Matanda, Matipok,
Makina, Bisaya, Salong, Taklang-Anak, Loma, Poblacion 2, Poblacion 4, Baclas at
Munting Coral.
![]() |
|
| < Prev | Next > |
|---|
Last Updated (Friday, 14 May 2010 07:08)



