Istasyon ng Krus 2010
Muling ipinakita ng mga debotong Calaqueño ang pagkakaisa
sa ginanap na Istasyon ng Krus noong ika-1 ng Abril, 2010. Kagaya ng taunang kaugalian,
tuwing panahon ng kwaresma o Mahal na Araw, sinimulan ang banal na gawain sa
pamamagitan ng pagtitipun-tipon sa bulwagan ng pamahalaang lokal ganap na
ika-4:00 ng umaga. Kasunod ang pagbagtas mula sa unang istasyon sa nasabing
lugar ng pagtitipon hanggang talaytayin ang kahabaan ng barangay Madalunot
patungong barangay Matipok upang tahakin ang labing apat (14) na istasyon. Isinagawa
ang pambungad na panalangin sa unang istasyon sa pamumuno ni Rev. Fr. Emiliano
Magsino gayun din ang mga panalangin sa bawat istasyon at pag-awit ng mga
naaangkop na awiting para sa kwaresma. Halos wala nang puwang ang daanan sa
dami ng taong nakiisa at sumama kabilang ang iba’t ibang organisasyong
pangsimbahan, pansibiko, pampribado at pampubliko. Ang paglalakbay ay
pinangunahan ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Nas
Ona, Vice Mayor Larry Atienza, mga miyembro ng Sangguniang Bayan (Magnificent
Seven) at kawani ng lokal at nasyunal na pamahalaan.
![]() |
![]() |
| < Prev | Next > |
|---|
Last Updated (Monday, 19 April 2010 00:00)




