Get Adobe Flash player
Sunday 20th of May 2012
Home INFORMATION ARCHIVES

Carrera De Paso 2010

carreradepaso_1001.jpgMarso 31, muling dinagsa ang bayan ng Calaca ng mga mangangarera ng kabayo mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa upang makibahagi sa taunang pagdaraos ng Carrera De Paso tuwing Miyerkules Santo.

 

Gaya ng nakagawian, dinumog ang bayan ng Calaca na kilala sa larangan ng karera at pinasimulan ang aktibidad sa tahanan ni G. Vic Ilagan sa Brgy. Bagong Tubig kung saan ginanap ang isang masaganang pananghalian. Kapagdaka’y tumulak ang isang parada mula sa nasabing tahanan na bumagtas sa kalye ng Marasigan at tuluyang tinaluntun ang kahabaan ng Brgy. Dacanlao na pagdadausan ng karera. Pinangunahan ang pagdiriwang ni Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza kasama ang Magnificent Seven Members ng Sangguniang Bayan. Pinatingkad din ang okasyon ng mga naggagandahang dilag na naka-cow girl costume.

 

carreradepaso_1002.jpgBukod sa PhP1, 000.00 na halagang napanalunan sa bawat takbo, naging kapana-panabik din sa mga bisitang mangangarera ang special awards. Ilan dito ang best dressed horse, best dressed jockey, biggest horse at best tiburin na nakuha ng Kastanyong kabayo mula sa Bayan ng Taal na pag-aari ni G. Michael Villano. Samantala ang kabayong mula sa San Isidro, bayan ng Lemery ay tinanghal na pinakamaliit na kabayo at bawat isa sa mga special awards na nabanggit ay may nakalaang premyo na halagang PhP1, 000.00. Napagkalooban naman ng PhP5, 000.00 ang pinakamabilis na kabayo na si Boy Taal mula sa lalawigan ng Bulacan.

carreradepaso_1003.jpg carreradepaso_1004.jpg

Last Updated (Sunday, 18 April 2010 23:54)