Proclamation Rally ng LAKAS-KAMPI-CMD, Dinagsa ng Supporters!
Dinagsa ng mga supporters ng LAKAS-KAMPI-CMD ang
proclamation rally na isinagawa ng partido sa bayan Calaca noong nakaraang Marso
27, taong kasalukuyan. Tinatayang
mahigit kumulang limang libong supporters ni Mayor Nas Ona at Vice Mayor
Larry Atienza at buong partido ang nagkatipun-tipon sa activity area ng lokal
na pamahalaan bilang suporta sa buong tiket.
Malakas na sigawan mula sa manonood ang tanging naririnig
sa tuwing tutugtog ang campaign jingle ng partido habang iwinawagayway ang mga
orange flaglets. Subalit mas mainit na pagtanggap ang nasaksihan matapos
isa-isang tawagin ni Kgg.Nemesio “Boy” Casanova, Chairman ng LAKAS-KAMPI-CMD sa
bayan ng Calaca ang kumpletong line-up ng mga kakandidato sa susunod na
election na sinimulan sa mga magiging konsehal ng bayan na sina: Casanova,
Brigido; Dajoyag,Prima; Macalalad, Luis; Macalindong, Anselmo; Matulac, Niño
Glenn; Ontangco, Deovic; Salazar, Robert at Sale, Robenson. Pinakamalakas na palakpakan at hiyawan naman nang tawagin
ang tambalan nina Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza sa entablado at
hawak kamay ang grupo habang walang tigil na tinutugtog ang jingle. Dumalo din
sa okasyon ang dating Exec. Sec. Eduardo R. Ermita na aspiranteng bumalik
bilang kongresista ng unang distrito kasama si outgoing Congresswoman Eileen
Ermita-Buhain na nagpahayag ng patuloy na kaunlaran sa kanlurang Batangas sa pagbabalik ng ama sa
posisyon. Kasama rin ng grupo ang kakandidatong Bokal ng Partido sa unang
distrito, Arnel Salas. Buong suporta din ang ipinakita ng 27 kapitan ng
barangay na kaanib ng partido sa pamumuno ni ABC Pres.
Sa talumpati ng sampung kandidato sa lokal na posisyon,
nadama ng mga manonood ang kasiguraduhan ng pag-unlad sa bayan ng Calaca sa
susunod na tatlong taon. Naging madiin ang mga pangungusap ni Vice-Mayor Larry
Atienza sa kanyang pananatili sa puwesto. Inilalahad niya ang kanyang naging
mahalagang ambag bilang ama ng Sangguniang Bayan na siyang susi kung bakit
patuloy na naisasagawa ang mga programa ng punumbayan. Samantala, hinangaan
naman si Mayor Ona dahil sa kanyang mga sinabi na siya sampu ng kanyang tiket
kailanman ay hindi mangangako ng anumang bagay sa kanyang kababayan. Aniya, hindi
siya mangangako dahil noong mga nakaraang eleksyon, hindi naman niya ipinangako
na magkakaroon ng barangayan program at vegetable productions. Ganun din hindi
siya kailanman nangako na magpapatayo siya ng maladambuhalang munisipyo na
walang utang subalit lahat ng ito ay nagkatotoo.Tinalakay din ng punumbayan ang
tungkol sa susuportahan niyang gobernador. Binigyang-diin niya na ang
kandidatong gobernador na kanyang susuportahan ay ‘yung tapat dahil siya ay boy
scout. Higit sa lahat susuportahan niya ang kandidatong pagka-gobernador na
susuporta sa buong tiket ng kanyang partido. Dagdag pa niya, hanggang sa
kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan pa rin sa kanya si dating gobernador Armand
Sanchez ganun din si Gov. Vilma Santos-Recto na alam niyang ginagawa nila ito
dahil alam ng dalawa na ang kanyang tiket ay buo at kung sinumang kandidatong
gobernador na dadalhin ng kanyang partido at tiyak na panalo sa bayan ng
Calaca.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
| < Prev | Next > |
|---|
Last Updated (Sunday, 18 April 2010 23:43)






