MENSAHE PARA SA KAPASKUHAN MULA SA KAGAWARAN NG PAMATAY SUNOG NG CALACA, BATANGAS
Ang bayan ng Calaca sa pamumuno ni Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza at sa pagpapatupad ng kagawaran ng Pamatay Sunog na pinamumunuan ni SFO2 Virgilio M. Laguarida BFP, ay taos pusong bumabati ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa ating lahat kalakip ang ilang paalala na sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay patuloy po tayong maging maingat upang makaiwas sa sunog at iba pang sakuna. Huwag po nating ipagwalang bahala ang kaligtasan natin at ng ating mga mahal sa buhay. Narito po ang ilang mga paalala:
- Gumamit lamang ng mga ilaw at dekorasyong elektrikal na aprubado ng Bureau of Product Standards;
- Huwag magsasaksak sa mga wall outlet at extension cords ng sobra sa kapasidad nito;
- Huwag maninigarilyo o maglalagay ng kandila malapit sa kurtina, Christmas tree o mga dekorasyon. Maaari rin itong pagmulan ng sunog;
- Iwasan pong magkabit ng mga Christmas lights sa Christmas tree na gawa sa metal at plastic.
- Patayin ang mga Christmas lights at iba pang dekorasyong elektrikal bago matulog o umalis ng bahay;
- Kung sakali naman pong aalis ng inyong tahanan, ugaliing alisin sa electrical outlet ang inyong mga appliances.

SFO2 Virgilio M Laguardia
BFPOIC / Municipal Fire Marshal
Calaca Fire Station
Calaca , Batangas
| Next > |
|---|
Last Updated (Friday, 23 December 2011 09:31)


